Friday, October 2, 2009

Tagalog Cheesy Lines / Banat. 1-50.

1. Girl: May bagong unlimited a?
Boy: o? ano namang unli yun?
Girl: Ikaw. Unlimited ka sa puso ko.
Boy: WOW! talaga?
Girl: Oo! Bukas expired ka na. :P

2. bf: baby, hindi ka ba nalulungkot?
gf: ha? hindi. bakit naman ako malulungkot?
bf: eh kasi magisa ka lang sa puso ko. gusto mo ng kasama? Ü

3. aanhin mo pa ang damo, kung ang garden mo ay sementado? :D

4. kung kasing lakas lang sana ng stethoscope ang tenga mo, narinig mo na sana. na IKAW ang tinitibok ng puso ko. :D

5. "kapag alam mong may tao na nagmamahal sayo. suklian mo din ng tamang pagmamahal. dahil sabi nga nila. ang tamang magsukli, maraming suki." :D

6. aanhin pa ba ang ubod ng daming pamimilian? kung ayaw namng mamili? :D

7. boy: alam mo bang may iba't ibang view?
girl: huh??
boy: di ba may side, top and front view.
girl: tapos?
boy: alam mo ba ano ang best view?
girl: ano?
boy: LOView!

8. "kung hindi ka na masaya sa buhay mo, bakit hindi mo subukan ang buhay na kasama AKO?"

9. ang buhay natin ay parang isang masarap na sauce. maraming nakikisawsaw.

10. okay lang kahit nakakahilo. basta sayo lang umiikot ang mundo ko.

11. ui, asan ka? pwede mo ba kong samahan? forever?

12. anak: tay, panu po ba magmahal?
tay: eh itanong mo sa nanay mo.
anak: bakit po kay nanay ko itatanong?
tay: kasi ang nanay mo nagturo sakin panu magmahal.

13. a sweet fight.
gf: ayoko na talaga! dadalin ko na ang lahat ng akin. at di na ko babalik!
bf: hoy babae! may nakalimutan ka!
gf: ano?!
bf: ako..

14. "sana naging camera na lang ako. para ii-smile ka tuwing makikita mo ko."

15. two kids talking to each other.
girl: paglaki ko gusto ko maging model!
boy: ako naman paglaki ko, gusto ko maging. TAYO.

16. auko na sakin! ayoko na sa sarili ko! auko na talaga! pwde bang sayo na lang ako?"

17. girl: aanhin mo yang hagdan?
boy: huh? uhm, eh. aakyat sana ako sayo ng ligaw.
girl: hindi na kailangan, yumuko ka na lang.
boy: b-bakit?
girl: pakipulot yung puso ko, nahulog na kasi sayo.

18. pag may nang-aasar sayo, yaan mo na lang. wag mong pansinin. tawanan mo lang siya. pero pag pikon ka na talaga, nginitian mo lang at sabihin mong, ingat ka lagi ah? baka mapatay kita.

19. masarap ang walang magawa sa buhay. tingnan mo ako. walang magawa sa buhay kaya masarap ako.

20. "pusa ka ba?" kasi kahit ilang beses kitang patayin sa isipan ko, ilang beses ka pa din nabubuhay sa puso ko.

21. ako na lang magbabayad ng pang-enroll mo. basta ang pag-aaralan mo lang ay mahalin ako.

22. diba ang sabi sa commercial: 'HABULIN MO HAPPINESS MO' so panu, hahabulin na kita?

23. matalino ka diba? sige nga, sagutin mo ko.

24. "bakit mo pa kakailanganin ng relo? kung handa naman akong ibigay lahat ng oras ko sa'yo?" :)

25. pwede ba MCDO na lang itawag ko sa'yo? masyado kasing obvious pag sinabi kong. LOVE KO 'TO. ü

26. "itutuwid ko landas mo. para sa'kin ka didiretso.”

27. girl: uy, tikman mo tong cake, masarap to. gawa ng nanay ko!
boy: eh kung.. ikaw na lang kaya tikman ko? tutal gawa ka din naman ng nanay mo. :D

28. toss coin tayo. "pag head, saken ka ha? pag tail, sayo ko. :)"

29. boy: kung may business lahat ng tao bebentahan ko ng mura. ikaw lang hindi.
girl: bakit naman?
boy: tama na yung sayo lang ako nagmamahal.

30. b: mahal kita noon, mas mahal kita ngayon.
g: mahal kita noon.. maglaway ka ngayon!

31. girl: kamusta lovelife?
boy: eto, parang ikaw. HINDI MAGANDA!

32. alam mo bang SCIENTIST ako? at ikaw ang LAB ko!

33. gf na selosa: napaka'dami mong babae! sabihin mo nga sakin, sino ba talaga laman ng puso mo?!
bf: malay ko, ikaw laging may dala eh.

34. girl: sino ang pipiliin mo, ako o ang DOTA na yan?
boy: DOTA. /:)
girl: bakit? O.O
boy: DOTA kasi pwedeng paglaruan. eh ikaw masyado kitang mahal para paglaruan.

35. buti pa ang coke nabubuksan mo. sana pati puso mo buksan mo. para makapasok naman ako.

36. ako? di ako kagandahan pero kilala at asset ng barkada. matinik sa lokohan. sumasabay sa gagohan. simple mang tingnan, malakas naman ang hatak sa kaibigan. di gaanong kagandahan ngunit may taglay na karisma. "alena" nga pala. 5 letters, dugong artista!

37. bakit ka malulungkot na single ka? kung marami namang taken ang gustong ikaw ang kasama?

38. ang pag-ibig ay di hinihintay, di hinahanap at mas lalong hindi kusang dumadating. ito pala ay inaagaw.

39. habang andito pa ko sa mundo, wag mong isipin na "THE BEST" ang syota mo.

40. mrs: hindi ko na kaya to. araw-araw na lang tayong nag-aaway. mabuti pa umalis na ko sa bahay na to!
mr: ako rin sawang sawa na. away dito, away doon! mabuti pa siguro sumama na ko sayo!

41. sabi ng nakararami. ang lahat ng masarap ay bawal. so, bawal na ko? ganon?

42. alam mo? para kang pako. ang sarap mong pukpukin.

43. hindi naman talaga ako suplada. hindi lang nila tanggap na hindi ako interesado sa kanila.

44. boy: gusto mo ibloodtest kita?
girl: para saan? nurse ka ba?
boy: ahmmm. hindi. titingnan ko lang kung "type mo ba ko".

45. may batang lumapit sakin sabi, "gusto mo ng balde?" nagtaka ako dahil hindi naman ako nagiiigib ng tubig. tapos sabi ng bata, "sahod na nating APEAL mo, umaapaw eh!"

46. aanhin ko pa ang enervon. kung ikaw naman ang happiness ko.

47. ako mismo. ikaw din misko.

48. ako simpleng tao lang. kumbaga bigas, ako ay NFA. hindi kagandahan pero pinipilahan!

49. boy: sana naging bra na lang ako!
girl: hmp. bakit naman?
boy: para mapalapit ako sa PUSO mo.

50. boy: marunong ka ba mag-budget?
girl: oo, bakit?
boy: paturo naman, napapamahal na kasi ako sayo eh.

6 comments:

Francis said...

keep up! ganda naman site u like u!jijiji

musm0s said...

Nice qoutes!

Unknown said...

nice! :D

Anonymous said...

nice nice///... pasahan mo naman aq ng bago. sa account q..eto po.... catty_026@yahoo.com////////// sa facebook po iyan eehehee salamat po.

Anonymous said...

im always reading this sites.. cheesy banats makes my day happier especially when i used t to my husband.. hope to have more of ure cheesy.. diane294

ANGELICA SAN PEDRO AGUILAR said...

OMG !!!
nYss eVeR ThIS Web pAgE ..
AwEsoMe
lEaVe SoMe qUoTeS aGaIn ..
=P