Friday, October 2, 2009

Tagalog Jokes. 1-50.

1. what is "due care"? "Due Care" daw yung tawag sa mga taong mahilig mag-joke. example: napatawa mo ko. "due care" ka pala.

2. Summer Job Opportunities~
Package 1: P5000/hr, enchanted kingdom > taga-tulak ng anchor's away.
Package 2: P7000/day, palengke > taga-lista ng noisy.
Package 3: P800/min, star city > taga-hila ng roller coaster.
Package 4: P900/min, quezon avenue > ikaw yung humps.
Package 5: P5000/hr, PLDT > ikaw yung dial tone.
Package 6: P9000/hr, post office > taga-dila ng sobre.
Pili na, limited slots only! :))

3. 1. 2. 3. READY, SING! Sampung mga Abnormal, nawala ang isa. hinanap ko, hinanap ko? kumakanta pala!

4. kung amoy putok ka, be proud. pinagpawisan mo yan eh. hahaha.

5. the Estudyante and Driver part 1.
E: mama bayad!
D: san galing?
E: E di sa kin!
D: (gago to ah!) san pupunta?
E: e di sayo! tanga!
The Estudyante and Driver part 2.
E: manong, bayad ho.
D: san galing?
E: e di sa bulsa ko.
D: hindi, san sumakay?
E: e di sa jeep niyo.
D: (loko to ah. bigyan ko nga ng kulang na sukli.)
E: o manong, bat kulang to? magkano ba Quiapo?
D: bakit? bibilin mo?

6. nakakatuwang isipin, halos lahat ng tao gustong mapunta sa langit. wala naman gustong mauna. ü

7. kagabi, habang nanunuod ako ng tv, tumabi sa kin si LOLA. ang haba ng buhok at itim na itim ang damit. malungkot, at may hawak na kutsilyo. kinabahan ako syempre. nakatingin lang ako pero kabado. nagsalita siya. "apo, bagay ba sa kin ang EMO?"

8. "ginawa ko naman lahat para sumaya ka. mahirap ba talaga makuntento sa isa? bakit palipat-lipat ka?" - TV.

9. Juan at Starbucks.
Juan: isang kape nga.
waiter: sir, decaf po ba?
Juan: tanga ka ba o sadyang bobo lang?! syempre de cup! bakit may kape na bang naka-pinggan?!

10. TATAY: anak, paki kuha mo nga yung kaning baboy kina padre sa kumbento.
JUAN: opo tay. pupunta na ako.
(pagdating sa kumbento)
J: magandang umaga! may tao po ba sa kumbento?
FATHER: ano kailang mo iho?
J: pinpakuha po ni tatay ang kaning baboy.
F: ikaw ba ang anak ni pedro? ang gwapo pala naman ng batang ito! nag-aaral ka pa ngayon iho?
J: opo padre.
F: ah, mabuti. ano naman ang kinukuha mo?
JUAN: KANING BABOY po.

11. Dear katropa, ang sweet ng gf ko ngayon. bago kami matulog nilalagyan ko niya ko ng plastik sa mukha. pag di na ako makahinga tinatanggal na niya. proud ako sa kaniya! kasi siya nagturo sa kin magtipid. kapag nga kumakain kami sa labas, ulam niya porkchop, ako ketchup. nakakatuwa pa sa kaniya, di siya nghihingi ng pera, kusa na lang siya kumukuha sa wallet ko. kaso hiwalay na kami. yung mga kaibigan ko kasi, siniraan siya. malikot daw kamay, siya lang naman nagpupunta sa bahay ko, nawala pa yung ref. inisip ko naman baka namisplace ko lang. tulungan niyo ko wa.

12. kung ang ikaliligaya mo ay ang paglayo ko. wag kang mag-alala, at lalapit-lapitan pa kita wag ka lang sumaya! Ü

13. MAGANDA ba ko? if YES, wag ka na magreply. if NO. i-text ang tagalog ng dinosaur, cake, roller coaster, toothpaste, calculator, remote control at aquarium. salamat!

14. kung may problema ka, dito lang ako. wag ka mahiyang kumatok sa bahay ko. coz i have three doors open for you. funda'door, mata'door and empera'door!

15. ANAK: nay yung gf ko hindi naniniwala sa langit at impyerno!
NANAY: pakasalan mo! padama mo sa kaniya ang langit, ako bahala sa impyerno.

16. girl1: sakit! bakit ganun siya? iniwan nia ako. :(
girl2: san ba dapat kayo pupunta?

17. “di lahat ng bumabakat, bastos.” - bilbil.

18. bf: tell me the truth, how many men have you slept with? gf: babe, i swear i only slept with you. yung iba kasi. hindi talaga ko pinapatulog!

19. promoter: misis, kapag pinaghalo ang surf at tide, bubula kaya? misis: aba syempre! promoter: mali! misis: bakit naman? promoter: wala pang tubig!

20. bakit mo mamahalin ang isang taong may iba ng mahal? sagot: para magulo ang relasyon nila. kung miserable ka, dapat miserable din sila.

21. (MAR ROXAS nakasakayu sa side’car) girl: kuya kuya! mar: ilang taon ka na? boy: si lani po 6, ako po 13. mar: anong pangarap niyo? boy: seaman sana! girl: ako po artista! boy: pero di ko na iniisip yan, kanya-kanyang kayod dito. walang maaos na trabaho, walang pambili ng gamut. mar: anak itabi mo, lagpas na ko!

22. bakit ganun ang pag-ibig? kailangan pang masaktan ka, magparaya, magpasensya, magpaloko! nakakabulag! minsan tuloy maiisip mo “ayaw ko na sa pag-ibig! philhealth na lang!

23. sa palengke, TINDERA: ilang tali ng sitaw? JOSE: 3x-5 where x=6. TINDERA: so 13, bale mura lang 5sin90 ang isa. JOSE: uhm. paki-convert naman po using arc tangent. TINDERA: di ko carry, tangent na lang. 5tan45, kung gusto mo mag-apply ka na lang ng reduction formula. JOSE: okay nap o, eto bayad, (x^2-4x+3)/sin3x where x=7. keep the change!

24. baby: love, alam mo. para kong lalagnatin. ano kaya iinumin kong gamut? girl: parang lang pala we, inom ka ng parang gamut para parang gumaling ka.

25. nurse: ano nasa isip mo ngayon? baliw: pamilya ko. (naawa ang nurse) nurse: asan ba pamilya mo? baliw: nasa isip ko nga! kulit!

26. mommy1: ano pinapainom mo sa baby mo?
mommy2: PROMIL, para sa matatag na pangarap! ikaw?
mommy1: ako EMPERADOR! para sa totoong tagumpay!

27. if Rustom is now “Bebe GandangHari” Piolo will be “Pauline GandangPapa” Sam Milby is “Samantha GandangDyosa” may nadagdag pa. Erik Santos is “Erika GandangDalaga” si BUGOY pa, as “Betty GandangBukid”

28. boy1: tol saan ka pupunta?
boy2: sa biyenan ko. boy1: bakit?
boy2: napagalitan ako ni boss kaya ako pupunta sa biyenan ko.
boy1: kaso bakit dun?
boy2: sabi ni boss go to hell.

29. NENE: nay, pinagtambling ako kanina sa school!
INAY: gaga! gusto lang nila Makita panty mo!
NENE: alam ko! kaya nga tinago ko sa bag yung panty ko eh!

30. naguusap ang mag-ama:
ama: ano ang pambansang ibon ng pilipinas?
anak: manok!
ama: hindi. mas maliit pa!
anak: fried chicken!
ama: hindi pa din. mas maliit pa at kulay brown.
anak: knorr cubes!

31. pedro: juan, may plano ako.
juan: ako din may plano.
pedro: ano?
juan: ang makinig sa plano mo!

32. first aid tip: ano ang magandang gawin kung unconscious ang isang tao? titigan. titigan ng matagal para maconscious!

33. juan: aray! bakit mo ko sinuntok?!
pedro: tinawag mo akong hippopotamus eh!
juan: last year pa yuna h?
pedro: ngayon ko lang nalaman itsura nun eh!

34. vote for me! for president. 2010. maglilingkod sa bayan, magpapatayo ng pasugalan. legal na drugs sa loob ng eskwelahan. kompyuteran para sa mga kabataan, at kapag ako ang binoto niyo pinapangako ko, lahat ng tambay may sweldo. mga adik pensiyonado. at ang mga lasinggero may sarili ng disco. "*insert name*" for president!

35. "matapos akong mabuo at ilabas sa mundong ito, ikaw lang pala ang sisira at babasag sa kinabukasan ko!: - itlog.

36. lahat ng bagay pag nahulog may babagsakan. if you fall from trees, sa lupa bagsak mo. pag sa stairs, sa sahig bagsak mo. what if you fall inlove? ahaha. sa kama bagsak mo!

37. nasa bangka ka with your ever plastic friend and your two timer ex ng biglang lumubog ang bangka. sino una mong ililigtas? yung bangko o sagwan?

38. "recharge? ... recharge? ... nasan ka ba anak?" - anabelle rama.

39. thought for the day: "ang bading na maagang nagising, kagabi walang booking!"

40. nagtanong si pedro kay juan.
pedro: pare, may tatanong ako sayo.
juan: ano yun pare?
pedro: paano kung nakapulot ako ng 30 pesos.
juan: oh tapos?
pedro: bumili ako ng burger na tig-18 pesos. magkano sukli?
juan: bobo mo talaga. simpleng math di mo masagot? edi 12 pesos.
pedro: bobo pala ah. eh sino mas bobo? ehdi ikaw!

41. kung bibigyan ka ng pagkakataong maging artista ... ano ka? sinuswerte?

42. teacher: pedro, late ka na naman!
pedro: late po kasi relo ko.
teacher: problema ba yun?! ehdi i'advance mo.
pedro: opo.
teacher: saan ka pupunta?
pedro: uwi na po. time na eh.

43. pare1: pare, may pilik mata kang nalaglag oh, wish ka!
pare2: sana magkaroon ako ng madaming wishes!
tshing! at biglang nalagas lahat ng pilik mata niya!

44. dear anak, naipadala ko na 50,000 pangtuition mo. pinagbili na namin yung kalabaw. ang mahal pala DOTA na kurso! wala na rin tayong mga baboy, naipagbili na rin namin para dun sa sinsabi mong project, nokia N95 ba yun? ang mahal naman ng project mo! kasama na din dun 7,000 para sa field trip niyo sa mall of asia. malayo ba yun, bakit ang mahal? isasanla pa namin palayan para mabili mo yung instrumentong iPod, laptop at PSP. napailaw niyo na ba yung pinagpupuyatan niyong sanmig lights? sana grumaduate ka na.
love, tatay.

45. juan: bilib talaga ako kay jose!
pedro: bakit naman?
juan: isipin mo, 10 siga. nilabanan niya! hindi tinakbuhan!
pedro: wow! saan mo nabalitaan?
juan: sa burol niya. :D

46. isang ina ang nagsilang ng napakapangit na sanggol.
ina: isa siyang kayamanan!
ama: oo nga! ibaon natin!

47. during exam..
teacher: iho, bakit puro "RED HORSE" ang sagot mo?
student: dahil "ITO ANG TAMA!"

48. lady: father, ang gwapo at ang cute mo naman. bakit ka pa kasi nag-pari?
priest: dahil ayaw pumayag ng magulang ko na mag-madre ako. nakakalungkot gurl! :D

49. intsik patay punta heaven, ask kay san pedro..
intsik: ano yan sa kabila?
san pedro: wala. impyerno. super init.
intsik: lipat ako riyan!
san pedro: ako benta ice tubig!

50. intsik at taxi driver..
intsik: magkano punta sa makati?
driver: ikaw lang ba mag-isa.
intsik: bakit ikaw? di ka sama?

No comments: