Wednesday, September 30, 2009

Tagalog Love Quotes. 1-50.

1. Bukas sana sumaya ako. Bukas sana di ko na maramdaman lahat ng sakit. Bukas sana nandito siya sa tabi ko. Bukas sana malaman niya na mahal ko siya. Bakit bukas? Kasi pagod na ko ngayon. Bukas na lang ulit ako aasa.

2. lagi niya kung sinasabihan na mahal niya ko. pinapaalalahanan na kumain. laging pinagiingat. with matching mwuah pa na pagkahaba-haba! bongga, diba? kala mo seryoso siya? tingin mo mahal na mahal niya ko? hindi ah! tinanong ko kung ano nagustuhan niya sakin, sabi niya. all around ka kasi we, "sarap mong bolahin, dali mong utuin, ganda mong paasahin at kayang kaya kong iwan." may kadugtong pa yan, "kaya nga ikaw ang paborito kong laruan!" :(

3. bakit ka mahalaga sa kin? siguro walang specific na dahilan. alam ko lang mahalaga ka. sa kin kasi isa ka sa dahilan kung bakit bukas gusto ko pa gumising.

4. kapag hindi ka mahal ng taong mahal mo. ikaw yung letter "E" sa word na LOVE. nandiyan pero hindi pino-pronounce. :[

5. okay lang na masaktan sa pag-ibig. parang gutom lang yan, lilipas din.

6. hangga't maraming babae sa mundo. wag mong isipin na nagiisa ka lang sa buhay ng boyfriend mo.

7. ang pag-ibig di puro sarap. darating ang time na kailangan mo ring masaktan. sabi nga niula, di masama ang maghintay hangga't marunong kang magmahal. pero di tamang maging manhid ka habambuhay.

8. boy: matalino ka di ba? bat di mo ko kayang sagutin?
girl: kasi nga matalino ako, at alam kong di ikaw ang sagot.

9. "minsan, para ka palang nagmahal ng pader. habang mas pinagdidiinan mo itulak ang sarili mo, mas nasasaktan ka. pero siya, di pa rin natitinag."

10. wag mong pakawalan ang taong mahal ka dahil mahirap siyang hanapin. maghanap ka man ng higit sa kaniya, darating ang araw na sasabihin mo sa sarili mo, "SAYANG" siya na lang sana.

11. sabi mo, lagi kang nandyan. sabi mo, lagi tayong magdadamayan. eh paano na lang kung ikaw ang dahilan kung bakit ako nasasaktan? paano mo mapapatunayan sa'kin na kahit ano mangyare, hindi mo ako iiwan?

12. masakit isipin na nagmahal ako, sa taong alam kong di pwedeng mahalin, di maaaring ibigin. subalit paano kita matututunang kalimutan kung, habang dumaraan ang mga araw. mas lalo kitang minamahal.

13. Mahirap pumapel sa buhay ng isang tao lalo na kung hindi naman ikaw ang bida sa script na pinili niya.

14. Ang pag-ibig parang sa text din yan. Kahit ilang ulit ka pang magsend, kung ayaw ka talagang replyan, wala kang marereceive.

15. Bakit ako pag nagmahal laging nasasaktan? Lahat naman ginagawa ko, lahat naman binibigay ko. Ganito na ba ko kahirap mahalin o. Ganito ako kasarap gaguhin?

16. Sana akin ka para di ka na umiyak. Sana akin ka para di ka na masaktan. Sana akin ka para lagi kang masaya. Pero sana, „Ako siya“ na mahal mo ng sobra.

17. Hanggang kailan ka aasa na mamahalin ka niya, na pipiliin ka niya at maniniwala na para talaga kayo sa isa’t isa? Minsan napakahirap tanggapin, pero lagi mo iisipin na di lahat ng mahal mo ay para sa atin.

18. Kunwari dictionary ka. Sigurado kahit saang page mo, hindi mo ko mahahanap. Wala naman kasi akong meaning sayo eh.

19. Dapat pag nagmahal, hindi iniisip ang sasabihin ng iba at hindi padadala sa sulsol ng barkada. Dahil ang pagmamahal sa puso nakikita. Hindi sa bibig ng iba. Na walang alam kundi kumontra.

20. Hindi masamang magselos, nagseselos ka lamang dahil natatakot kang mawala ang iyong minamahal.

21. Madalas tayo magmahal at masaktan. Tapos we would ask ourselves what went wrong. Sa ‘kin ba ang problem? Nagkulang ba ko? Di ba niya ako mahal? That’s why a Golden Rule in love was discovered. "Wag kang magmahal kung hindi ka handang masaktan.” A simple sentence which means a lot. And I think kung isasapuso ito ng lahat ng nagmamahal. After a break - up, you won’t feel bad because you’ll know it’s a part of being in love. So you won’t ask yourself questions without answers, diba?

22. Madalas nagkukunwari tayo pag nasasaktan. Sasabihin natin, “wala yun no!” Pero pag nagiisa na, di maiwasan iiyak din tayo. At ang masasabi lang natin eh, “mahal pa din kita!” kahit sobrang sakit na.

23. Totoo ba ang kasabihan na ang basurang itinapon mo ay babalik sayo? Paano kung ibinasura ka ng taong mahal mo? Babalik ka pa ba? O papatunayan mu na siya ang basura ng itapon ka niya?

24. TANGA /ta'ngah/ (noun):
  • 1. Taong ayaw magka'bf pero nagrereklamong single.
  • 2. Lalaking mahilig mambabae tas nagugulat pa everytime ayaw pagtiwalaan ng mga babae.
  • 3. Ex mong iniwan ka for some reason tas biglang magpaparamdam ulit after Jurassic years.
  • 4. Taong pilit na naghihintay sa taong wala namang balak dumatin.
  • 5. Babaeng ilang beses na niloko sa pare'parehong dahilan pero di natututo.
  • 6. Mag'jowang araw araw nag'aaway pero hindi daw sila maghihiwalay.
25. Pag nagmahal, wag humiling ng kapalit. Wag maghintay sa wala. Wag seryosohin ang biro. Wag umasang mamahalin ka rin dahil kung gaano kalaki ang inaasahan mo, ganuon din kalalim ang sakit na mararamdaman mo.

26. Ang pagmamahal ko sa kaniya ay parang ulam namin kagabi. Ubos na!

27. BREAK-UP LINES:
  • "mahal kita pero mas mahal ko siya." (magsama kayo!)
  • "babalikan kita, promise." (kahit wag ka na bumalik!)
  • "we can still be friends." (eto piso, humanap ka ng friend mo!)
  • "pareho ko kayong mahal." (wow! ano ka? magulang? at kami, mga anak mo?)
  • "i want to be happy." (lalo naman ako!)
  • "kung talagang tayo, destiny na ang gagawa ng paraan." (sino si destiny? ate mo?)
  • "you will find someone better than me." (syempre, worst ka eh!)
28. Alam mo ba ang pinagkaiba ng taong MAHAL mo sa GUSTO mo?
  • Pag tumingin ka sa mata ng gusto mo, namumula ka. Pero sa mata ng mahal mo, napapangiti ka.
  • Di ka makatingin ng diretso sa gusto mo, pero sa mahal mo nakikipagtitigan ka pa.
  • Pag umiiyak mahal mo, umiiyak ka din. Pero pag umiiyak ang gusto mo, pinapatahan mo.
29. "Hindi ka manlalamig sa taong mahal mo, kung wala kang nilalanding bago."

30. Diba ang hirap pag may mahal ka pero hindi sayo? Gusto mo makasama pero iba kasama niya. Gusto mo alagaan pero iba nag'aalaga sa kaniya. Higit sa lahat, mahirap pag alam mo mahal ka din niya. Pero di niya maiwan yung isa!

31. Mahirap pala masaktan. Luluha ka, walang ganang kumain, magkukulong sa kwarto. Ngayon, naranasan ko na kung paano masaktan. Pwede magtanong, anu naman pakiramdam pag nalaman mo na may nasaktan ka?

32. Minsan sa love mahirap din maglaro. Nakakatext then manloloko. Pero ang mas mahirap at mas nakakatakot ay dumating yung taong seseryosohin mo kasabay ng karma mo!

33. "Alam mo ba ang pinakamasakit para sa babae? Yun yung makita ang mahal nila na kasama ang ex-girlfriend nila."

34. Ang love parang sports yan. Kaya mo bang maipanalo ang isang laro kung reserba ka lang?

35. Ano ang best topic na pwede niyong pag-usapan ng mahal mo through text? Sagot: yung mahal NIYA.

36. Minsan pilit nating itinatago ang totoo! Kunwari, ok ka! Pero pag sinabi niya, "kami na" sasabihin mo ba na nasasaktan ka? You have no choice but to say the hardest word. "Congrats."

37. Papayag kang masaktan dahil mahal mo siya. Gugustuhin mong magtiis dahil nga mahal mo siya. Kung totoong mahal mo siya, papayag ka bang may kahati ka sa kaniya? Kahit na ikaw ang nauna?

38. Makakapili ka ng lugar na uupuan mo, pero hindi mo mapipili ang taong uupo sa tabi mo. Ganyan ang senaryo sa bus. Ganyan din sa pag-ibig, lalong 'di mo kontrolado kung kailan ba siya bababa.

39. Mahirap sabihin sa ex mong "hoy, miss na kita" Mahirap sabihing "hoy, ingat ka." Mahirap ding sabihing, "sorry sa lahat ha." Pero, mas mahirap sabihing "hoy, mahal pa kita. Pwede bang bumalik ka na?"

40. "Ang tenga kapag pinagdikit korteng puso. Extension ng puso ang tenga. Kaya kapag marunogn kang makinig, marunong ka ring magmahal." - Bob Ong.

41. Kung mahal mo ang isang tao, wag mo basta sabihin. Paramdam mo. Pero kung di mo siya mahal, wag mo na paramdam. Sabihin mo na lang.

42. Naranasan mo na ba magmahal ng PASAWAY? Hirap diba? Sakit sa ulo, kaka'high blood, kakaasar, kakapikon! Pero naranasan mo na ba mahalin ng PASAWAY? Sarap diba? Lalo na pag sinabi niya, "I LOVE YOU. Sorry na?"

43. Kanino ka ba dapat humanga? Sa taong iniwan ang iba, para mahalin ka? O sa taong handang iwan ka, dahil may mahal kang iba?

44. Ang pag-ibig parang imburnal. Nakakatakot mahulog. At pag nahulog ka, it's either by accident. O talagang TANGA ka lang.

45. Bf and Gf once played a game. The boy will write the things he like the girl to change. And the girl will write the things she like the boy to change. After an hour, they trade their work with one another. The girl started to cry while reading ten pages work of his bf. Then his bf also started to cry because her gf only wrote, "wala akong gustong baguhin sayo. Dahil minahal kita ng ganyan ka at tinangap ko na lahat simula nung sinabi kong mahal kita."

46. Mahirap magpretend na di mo siya gusto. Na di mo siya kailangan. Na di mo siya mahal. Pero may mas mahirap pa dun! Yung magpretend na "meron kang iba" pero ang totoo, "siya lang talaga."

47. Pag may nagtanong sayo, "bakit mo minamahal yung taong ayaw sayo? Madami naman iba dyan." Isagot mo, "Kapag nauhaw ka ba, iinom ka ba sa dagat dahil tubig din yun?"

48. Pari: Sino ang una dapat mag'sorry pag may hindi pagkakaintindihan?
Boy: Kung sino may kasalanan.
Girl: Lalaki dapat.
Pari: Mali. Dapat kung sino mas nagmamahal.

49. Gf: Love, kunyari tayo na talaga forever. Sino mas gugustuhin mo mauna mamatay sa tin?
Bf: Uhm. Syempre ako. Para sayo ako mauna.
Gf: Hmp! Selfish! Iiwanan mo kong namimighati?
Bf: Ay. Ano. Ikaw pala. Ikaw mauna.
Gf: So lumabas din ang totoo! Ako pala ah?! Gusto mo na ko mamatay! How could you?!
Bf: H-hindi. Ano. Uhm. Ehdi sabay tayo mamatay.
Gf: At nandamay ka pa! Sabi na nga ba sa hukay kahihinatnan nitong relasyong ito! I hate you! Break na tayo!

50. Ang paglisan ng isang minamahal ay hindi nangangahulugang hindi mo na siya mahal. Napagod lang ang puso mo sa mga bagay na dapat hindi ganun ang takbo.

4 comments:

justine rhain said...

superlike...
ganda ng mga quotes !!!

Anonymous said...

cute quotes...superlike!!

lynmelove said...

ang ganda ng mga qoutes..
love it.!!!

Anonymous said...

supremu here

i love this site ang ganda tlga ^^ lalo na 2
BREAK-UP LINES:
"mahal kita pero mas mahal ko siya." (magsama kayo!)
"babalikan kita, promise." (kahit wag ka na bumalik!)
"we can still be friends." (eto piso, humanap ka ng friend mo!)
"pareho ko kayong mahal." (wow! ano ka? magulang? at kami, mga anak mo?)
"i want to be happy." (lalo naman ako!)
"kung talagang tayo, destiny na ang gagawa ng paraan." (sino si destiny? ate mo?)
"you will find someone better than me." (syempre, worst ka eh!)