Tuesday, September 29, 2009

Tagalog Quotes. 1-50.

1. fact in texting: kahit unli ka pa at marami kang katext. tatamarin ka talaga kung. di nagtetext ang taong gusto mong katext.

2. minsan masama ang eroplano. bakit masama? kasi pinapakita nila kung gaano kalayo ang lugar ng isang tao kahit nasa ilalim lang sila ng iisang langit.

3. “kahit nga words eh, kailangan ng space para maintidihan. tao pa kaya?”

4. marahil ay HINDI naman talaga siya suplada/suplado. baka hindi mo lang matanggap na hindi siya interesado sa’yo.

5. may pagkakamali na mahirap itama, mga pangyayari na di mababago. minsan, akala natin may babalikan pa tayo pero paano kung yung taong yun ay napagod na sa dami ng pagkakamali mo? paano ka na?

6. meron lang iilang tao dito sa mundo na pinanganak para magmahal ng seryoso. maswerte ka kung ang isa dun ay. inlove sa’yo.

7. klase ng mga naka-UNLI:
  • QUOTE ADIK - minu-minutong nagfo’forward ng quotes.
  • CORNY JOKER - panahon pa ni Rizal ang mga jokes.
  • SIMPLENG MANYAKIS - aatakahin lola mo sa green messages niya.
  • TIME WATCHER - kumpleto bati mula AM to PM.
  • DIARY FREAK - pati ata paghikab niya ginugroup message pa.
  • EXCLUSIVE ONLY - may special na katext kaya di nagrereply sayo kahit unli.
  • IQ TESTER - kung makapagtanong akala mo alam yung sagot.
  • CHAIN MESSAGE FANATIC - dakilang uto-uto.
8. maraming beses kang madadapa. bumangon ka man ulit o hindi, magpapatuloy ang buhay, iikot ang mundo, at mauubos ang oras.

9. Magtitiis ako para sayo. Ibibigay lahat basta kaya ko. Kakayanin ko ang sakit para lang sayo. Pero kung di mo pa rin ako mapahalagahan sa kabila ng lahat ng to, para sayo lalayo na ko!

10. Anumang bagay na nasambit na ay mahirap nang bawiin pa. Mabawi mo man ang sinabi mo, may malaking epekto pa rin ito sa taong nakatanggap ng mensaheng pinarating mo.

11. “Alam mo ba ang pinagkaiba ng mga bulag sa mga nakakakita? Hindi alam ng mga nakakakita kung kailan sila mabubulag.“ - Tessa/Teng, Kapitan Sino.

12. Hindi dahil mukha siyang seryoso sa sinabi niya eh totoo na. Kaya nga may konsepto ng ‘panloloko’, pinapaniwala ka sa bagay na hindi talaga totoo. Minsan, kung ano pa yung bagay na seryoso eh yung ang dinadaan sa biro at yung biro, siyang sineseryoso. Ganyan kagulo ang tao.

13. Wag kang matakot na hindi na maaayos ang lahat ng gulo sa buhay mo. Malay mo ginulo lang talaga yun para umayos ka.

14. hindi nagbabago ang tingin ko sa isang tao dahil sa galit o natutuwa ako sa kaniya. nag-iiba ang tingin ko sa isang tao dahil nag-iiba din kung ano ang ipinapakita niya.

15. “alam mo ba kung gaano kalayo pagitan ng dalawang tao pag nagtalikuan sila? kailangan mo pa libutin buong mundo para makaharap ulit ang taong tinalikuran mo.”

16. “hindi lahat ng hindi nagtetext, eh hindi unli. meron lang talagang mga tao na namimili ng itetext at nagpapamiss. hindi rin lahat ng nagtetext sayo eh naka-unli. meron lang ding mga tao na ikaw lang ang gusto at ikaw lang ang namimiss.”

17. “di dahil mukha siyang seryoso sa sinabi niya eh totoo na. kaya nga may konsepto ng “panloloko”, pinapaniwala ka sa bagay na hindi talaga totoo. minsan, kung ano pa yung bagay na seryoso eh yun ang ginagawang biro, at yung biro, siyang sineseryoso.”

18. “minsan masama ang eroplano.” - bakit masama? kasi pinapakita nila kung gaano kalayo ang lugar ng isa’t isa kahit nasa ilalim lang sila ng iisang langit.

19. “wag kang titikim ng masarap, para hindi ka maghanap. at wag mo sasarapan ang pagpapatikim, para hindi ka hahanap-hanapin.

20. "kapag handa ka nang iwan ang nakaraan tsaka ka lang magiging handing salubungin ang hinaharap." - joe chen.

21. Kung ang lahat ng ginagawa niya ay binibigyan mo ng kahulugan, konti na lang. DICTIONARY ka na.

22. Kung masaya ka, wag mo nang isipin kung bakit. Damahin mo na lang habang nararamdaman mo pa.

23. Kapag lalo mo siyang pinalalayo sa iyo, lalo siyang mawawalan ng gana para lapitan ka niya.

24. Alam mo ba na ang TAMPO ay mas special kesa sa GALIT? Kasi ang GALIT pwede kahit sino. pero ang TAMPO ay para sa taong hindi mo kayang mawala sayo.

25. "Ang buhay ay isang sugal, kailangang handa kang mawalan kung gusto mong magkaroon." - mahj-ONG.

26. "Matuto kang maghirap at magtrabaho, hindi lahat ng oras nasa taas ka." - gul-ONG.

27. "Ang lahat ay may katapusan, hindi maibabalik ng mga luha mo ang dati nang nawala." - kaba-ONG.

28. "Ewan ko sa inyo! Mga tarantado kayo!" - Bob Ong.

29. Bakit ba ang ibang tao mahilig magGM? Dahil ba ayaw niyang isend dun lang sa taong nilalaman nung GM niya kaya sinesend niya sa madami? Eh bakit naman yung iba ayaw makareceive ng GM? Kasi ba kahit di naman para sa kaniya natatanggap pa niya pero sa likod nun eh, umaasa siyang para sa kaniya.

30. A quote to live by. "Ang mabigat ay gumagaan, kapag binitawan." makes sense? Learn to let go when you're hurting too much.

31. Ayoko sana ikaw itext kasi gusto ko namimis mo naman ako at maramdaman ko na mahalaga rin ako sayo. Yun nga lang, sensya na di ako kasing TIBAY mo. Na masaya kahit WALA AKO. :(

32. May araw na masaya, mas masaya at napakasaya. Pero walang araw na malungkot. Mas masaya ka lang kahapon, kaya pakiramdam mo, malungkot ka ngayon.

33. Minsan, kahit ikaw ang naka'schedule, kailangan mo pa ring maghintay. Kasi hindi ikaw ang priority.

34. Maikling Panalangin sa Umaga: Panginoon, salamat sa pagtabi mo sa akin sa aking pagtulog. Salamat sa paggising mo sa akin ngayong umaga. Samahan mo ako sa buong araw. Ituro mo sa akin ang tama at dapat kong gawin sa bawat pagkakataon upang sa gayon ay matupad ko ang kalooban mo sa lahat ng panahon. Amen.

35. Hindi porket may tawagan kayo ay may ibig sabihin na sa kaniya. Minsan may mga bagay lang na kinatutuwaan lang niya at sa tingin mo lang ay nasa ibang level na.

36. "Ayokong makita mo akong nahihirapan kasi baka mas masaktan ako pag nakita kong wala kang pakialam." - Bob Ong.

37. Mahirap magtago ng isang sikreto lalo na kung ang sikretong itinatago mo ay ang mismong bagay na gusto mong ipagsigawan sa mundo.

38. Maaari ngang isang tao ka lang sa mundo. Pero maaari din namang mundo ka ng ISANG TAO.

39. Inspiring Quote: "Huwag pilitin ang ayaw, baka pumayag."

40. Minsan kailangan mong makalimot, para ikaw naman ang maalala.

41. Kapag mabagal maglakad ang nasa harapan mo, unahan mo tapos bagalan mo lalo sa harapan niya. Para maramdaman niya yung nararamdaman mo.

42. Pag nainis ka, magugulo buhok mo. Pag nagulo buhok mo, maiinis ka.

43. Ang paulit-ulit na karanasan ay may dahilan. Ito ay para turuan tayo sa mga bagay na paulit-ulit nating HINDI matutunan.

44. Hindi sa lahat ng pagkakataon, pag sinabing "ok lang" ay ok nga lang. Dahil kung minsan, ibig sabihin nun, "tiisin ko na lang, wala na ko magawa eh."

45. Kung ano pa yung PINAKAMAGANDANG nangyari sa buhay mo. Sa bandang huli, siya pang magiging PINAKAMASAKIT sa alaala mo.

46. Ayokong masanay sa mga bagay na kaya ko namang wala sa buhay ko. Dahil sa oras na nawala yon, mas mahihirapan at masasaktan lang ako.

47. EFFECTS of 7 DEADLY SINS:
  • SELOS, nakakawala ng tiwala sa sarili.
  • INGGIT, nakakawala ng pera sa bulsa.
  • GALIT, nakakawala ng ganda ng mukha.
  • KASAKIMAN, nakakawala ng kaibigan.
  • KATAKAWAN, nakakawala ng ganda sa katawan.
  • KAYABANGAN, nakakawala ng hangin sa kapaligiran.
  • KAHILIGAN, nakakawala ng enerhiya sa katawan.
48. Kaya nahihirapan tayo na magpatawad ng isang taong nakasakit satin ay dahil inilagay natin sa isip natin na tayo lang ang nasaktan.

49. "Nagiging kumplekado ang buhay dahil sa mga taong hindi naman matalino. Pero kung umasta parang alam nila ang lahat." - Jimmy Neutron.

50. Isipin mo na lang ikaw ang huling pahina ng coloring book niya. Makukulayan ka, maghintay ka lang. Pudpod na ang crayola pagdating sayo, pero sigurado ka naman na hindi na siya lalampas sa mga guhit mo. At wala ng next page pagkatapos mo.

4 comments:

Anonymous said...

:) kuha ko ng konti dto ah :) ganda eh :) UP!

Anonymous said...

nkakaaliw naman,, wala na po bang iba ?
nabitin ako

Unknown said...

ako dn po kuha ako..:) slamat po..:)

Anonymous said...

Pa bookmarks Po. Ganda ee.